Nutrisyon sa Panahon ng Pagbubuntis

Kadalasang nakadepende sa iyo ang pagkakaroon ng malusog na sanggol. Mahalaga ang kinakakin mo para sa iyong sanggol at sa iyong kalusugan. Habang nagbubuntis, malamang na kakailanganin mo ang halos higit sa 300 na kaloriya kada araw kaysa sa panahon bago ka nagbuntis. Bawat araw, subukang kainin ang bilang ng mga takal na nakalista rito para sa bawat grupo ng pagkain. At, bawasan ang asin at caffeine. Limitahan ang dami ng matatamis at mga pagkaing maraming taba na kinakain mo. Huwag manigarilyo o uminom ng alak.
Mahalaga: Magpatingin sa tagapangalaga ng iyong kalusugan nang madalas ayon sa hinihiling. Kung mayroon kang anumang tanong, siguraduhing itanong sa kanila.
Mga prutas
|
Mga gulay
|
Mga butil at Cereal
|
Mga taba at langis
|
2 tasa
Mga halimbawa ng 1-tasa na takal:
1 katamtamang mansanas
1 katamtamang orange
1 katamtamang saging
1 tasang tinadtad na prutas
1 tasa ng 100% katas ng prutas (pasteurized)
1/2 tasa ng tuyong prutas
|
2-1/2 hanggang 3 tasa
Mga halimbawa ng 1 takal:
2 tasang hilaw at madahong gulay
1 tasang hilaw o lutong hiniwang mga gulay
1 tasa ng 100% na katas ng gulay (pasteurized)
|
6 hanggang 8 onsa
Mga halimbawa ng 1-onsa na takal:
1 hiwa ng tinapay
1/2 tasa ng lutong kanin
1/2 tasa ng lutong cereal
1/2 pasta
1 onsa
|
6 hanggang 8 kutsarita
|
Gatas**
|
Protina***
|
Mga likido
|
|
3 tasa
Mga halimbawa ng 1-tasa na takal:
1 tasa ng gatas
1 tasa ng yogurt
1-1/2 onsa ng natural na keso
2 onsa ng naproseso na keso
|
5 hanggang 6-1/2 onsa
Mga halimbawa ng 1-onsa na takal:
1 itlog
1 onsa ng karneng walang taba, manok, o isda
1/4 tasa ng lutong beans
1 kutsara ng peanut butter
1/2 onsa ng mani
|
8 o higit pa sa 8-onsang baso
Mga halimbawa:
Tubig
Mineral na tubig
Mga malinaw na sabaw, sabaw
|
|
*Tandaan: Pumili ng mga buong butil hangga’t maaari.
** Tandaan: Subukang pumili ng mga pagpipilian na kaunti ang taba; umiwas sa malalambot na keso at unpasteurized na gatas.
*** Mga Tatandaan: Huwag kumain ng hilaw o malasadong mga karne, itlog, pagkaing-dagat, isda, at shellfish. Gayundin, hindi dapat kainan habang nagbubuntis ang ilang uri ng isda, tulad ng pating, espada, at king mackerel. Huwag kumain ng mga hot dog, lunch meat, o cold cut maliban kung pinainit sa pagpapasingaw bago ihain. Itanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ang tungkol sa mga ligtas na pagpipilian.
Mga suplemento bago manganak
Ang suplemento bago manganak ay isang pildoras na iinumin mo araw-araw habang nagbubuntis. Nakatutulong ito na matiyak na nakakukuha ka ng tamang dami ng ilang sustansya na mahalaga para sa iyong sanggol. Hingin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na tulungan kang pumili ng pinakamahusay para sa iyo. Kabilang sa mahahalagang sustansya habang nagbubuntis ang:
-
Folic acid. Pinakamahusay na simulan ang pag-inom ng suplementong ito 1 buwan bago mo simulang subukang magbuntis. Tumutulong ang folic acid upang maiwasan ang ilang problema sa iyong sanggol. Habang nagbubuntis, kailangan mong uminom ng 400 micrograms (mcg) ng folic acid bawat araw sa unang 2 hanggang 3 buwan pagkatapos maglihi. Pagkatapos niyon, kailangan ang 600 mcg para sa lumalaking sanggol at placenta.
-
Iron, calcium, at bitamina D. Maaari ka ring payuhan na uminom ng mga suplementong ito habang nagbubuntis. Tumutulong ang mga ito na panatilihin ka at ang iyong sanggol na malusog. Inumin ang mga ito sa iba’t ibang oras dahil ginagawa ng calcium na mahirapan ang katawan na masipsip ang iron. Tumutlong ang pag-inom ng iron na may katas ng orange mapabilis ang pagsipsip nito.